GMA nagsa-‘sourgraping’ sa pagbatikos kay Aquino

MULING itinanggi ng Malakanyang ang akusasyon ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo na may “vacuum of leadership” sa administrasyon ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

“I think the statement of former President Arroyo is sourgraping… if there is one thing clear, there is no vacuum of moral leadership (in the Aquino administration),” ayon kay presidential spokesman Edwin Lacierda.

Pangit umano ang ginagawa ni Gng. Arroyo na magpahayag ng kung anu-anong akusasyon na wala namang basehan ukol sa pamamalakad ni Pangulong Aquino sa gobyerno ng bansa.

” We are on top of the situation,” ayon kay Lacierda. “We are confronting the trials that come our way.”

Ayon sa opisyal ng Palasyo, hindi lamang sila “nagpapapogi” kundi talagang nagtatrabaho sa paghahanap ng mga solusyon sa maraming problema ng sambayanan.

“We want to make sure that the solutions we are going to offer to the public are something we can live with and that will not in the long term affect further our nation,” ayon kay Lacierda.

Aniya, maaaring ang pahayag ni Gng. Arroyo ay bunsod ng pagkakasampa ng  P73.85-million peso tax evasion case ng Bureau of Revenues (BIR) laban sa kanyang anak na si Ang Galing Pinoy party-List Rep. Mikey Arroyo at  asawa nitong si Angela sa Department of Justice (DOJ). Kris Jose

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply