Gobyerno kikita ng P1B sa kinasuhan ni Rabusa

AABOT sa halos P1 bilyon ang posibleng habulin ng gobyerno sa isinampang plunder case ni dating Col. George Rabusa sa Department of Justice (DOJ) kaugnay ng ibinunyag nitong “pabaon system” sa hanay ng matataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Naniniwala si Atty. Noel Malaya, abugado ni Rabusa, na matibay ang kanilang inihaing reklamo dahil sa malakas ang hawak nilang ebidensya, kabilang ang mga dokumento at testimonya.

Bukod pa rito, mayroon din umano silang bagong testigo, na hindi ibinunyag ang pagkakakilanlan.

Kasama sa mga sinampahan ng reklamo ay ang tatlong dating AFP chief of staff na sina Diomedio Villanueva, Roy Cimatu at Efren Abu, gayundin ang dalawang dating comptroller na sina Carlos Garcia at Jacinto Ligot.

Kabilang din sa mga inireklamo ang sampung senior official ng AFP at dalawang auditor ng Commission on Audit (COA).

Sinabi ni Malaya na pinag-aaralan na rin nilang sampahan ng kaso ang asawa ng ilang dating heneral ng AFP na dawit sa katiwalian sa pondo ng militar. Teresa Tavares/Photo by Rene Sandajan

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply