Gonzales lilinisin ang pangalan sa media

UMAPELA ngayon, Abril 5, si Deputy Ombudsman Emilio Gonzales III sa media na pagbigyan siyang maituwid ang mga maling balita sa kanya.

Aniya, hindi nagtagal ang kaso ng hostage-taker na si Rolando Mendoza at ang kanyang motion for reconsideration sa kanyang opisina.

Gumawa umano sila ng aksyon ayon sa proseso ng tanggapan at patutunayan niya ito sa husgado.

Hindi rin umano totoong pinagtagal niya ang kaso para makahuthot ng P150,000 kay Mendoza, ang nasawing pulis sa kontrobersyal na Luneta hostage drama.

Matagal na umano niyang hinihiling sa pamilya Mendoza na sabihin kung sino ang kausap nila tungkol sa P150,000, ngunit wala silang maituro.

Ito umano ang patunay na wala siyang ginagawang masama.

Nang sikreto siyang ipina-lifestyle check ay wala rin umanong napatunayan o nakitang maanomalya ang mga nag-imbestiga.

Handa umano si Gonzales na kumilos batay sa ligal na paraan dahil malinis umano ang kanyang konsyensya.

Gayunman, inamin ni Gonzales na nag-iskedyul siya ng hearing noong Pebrero 8, 2011, subalit noong Pebrero 4, 2011 ay lumabas ang balitang suspendido na siya ng Malakanyang ng isang taon.

Dahil dito umano kaya siya nag-file ng “objection to proceedings.”

Hindi na umano siya dapat pang dumalo sa hearing dahil mayroon na silang desisyon.

Matatandaang sinuspinde si Gonzales ng Palasyo sa kanyang tungkulin bilang Deputy Ombudsman kaugnay sa pagkasangkot sa madugong insidente noong isang taon. Nenet L. Villafania

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply