Graduating HS students sa Maynila, pinagtanim ng puno

UMAABOT sa may 18,000 bilang ng mga high school graduating student mula sa ibat-ibang pampublikong eskuwelahan sa lungsod ng Maynila ang nagtanim ng mga puno sa Smokey Mountain.

Ngayong umaga ng Sabado, Abril 9, ay pinangunahan ni Manila Mayor Alfredo S. Lim at Vice Mayor Isko Moreno ang nasabing tree planting activity.

Ang naturang aktibidad  ay hudyat para muling buhayin ang “clean and green” campaign ng lokal na pamahalaan.

Kasama rin si 1st District Rep. Atong Asilo, Councilor Nino dela Cruz at city officials sa pangunguna ni chief-of-staff at media bureau chief Ric de Guzman at city administrator Jay Marzan.

“Caring about our environment should not end with the planting of trees.  All of you were born here, raised here and educated here in Manila and I’m sure many of you will spend the rest of their lives here kaya dapat ay magkaroon kayo ng involvement sa ating programa ng paglilinis at pagtatanim ng mga puno,” ayon kay Lim.

Kasabay nito, hinimok at binati an rin ng alkalde ang mga nagsipagtapos na estudyante na tapusin ang kanilang pag-aaral hanggang sa kolehiyo.

Kabilang sa mga lumahok sa tree planting activity ay ang mga estudyante mula sa Juan Nolasco, T. Paez, Perfecto at Villegas High School. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply