Graduation fees: P100,000 at P350,000

DEPARTMENT of Education Secretary Armin Luistro, para sa iyo ito.

Alam mo ba, Mr. Sekretari, kung saan napupunta ang mga gradwesyon fee ng mga pablik iskul matapos ang seremonyas? Kasaysayan na kasing zero ang rekord ng Parents-Teachers Association tuwing enrolmen.

Mining tu sey, Suki, hindi na pinag-uusapan ang nakaraang inkam-ekspens dahil iba na ang mga opisyal at miyembro ng PTA sa enrolmen sa mga nagpagradweyt sa nakaraang taon.

oOo

Malabo ba ang ating punto, Mr. Sekretari?

Bigyan natin ito ng linaw.

May sinubaybayan tayo na dalawang gradwesyon nitong nagdaang mga araw: isa ang sa elementari at isa sa haiskul. Alam ba ninyo ang graduation fee o kontribusyon ng mga bata? Nasa P500 ang sa elementari at nasa P1,350 sa haiskul.

Halos parehas sila, Suki, ng mga listahan ng pinagkagastusan. Medalya, arkila ng toga at silya, pampalubag-loob sa barangay tanod, lobo na dekorasyon, klas piktyur, garland con rosas, diploma, tsibug at iba pa.

Sa elementari, nakakolek sina titser ng nasa P100,000 mula sa nasa 200 gradweyt samantalang sa haiskul nakakolekta sina titser ng mahigit P350,000 mula sa nasa 260 na gradweyt.

oOo

Pero alam ba ninyo, Suki, ang nangyari?

May mga isponsor pala ang mga silya at iilang piraso ng medalya at garland con rosas para sa mga tap 10 gradweyt; libre ang tanod, libre ang lugar o benyu atbp.

Yung tsibug, ang mga titser at mga bisita lang mula sa DepEd ang nabusog at nagutom ang mga gradweyt.

Ngayon, awtomatik na nabubuwag ang PTA at iba na ang usapang pera sa susunod na enrolment.
Kaninong bulsa, este, saan napupunta ang malaking bahagi ng gradwesyon fee? Rey Briones

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply