Grand Lotto jackpot aabot sa P135M

KASUNOD ng gastusan ng mga bakasyunista at mga nagsipag-uwian sa kani-kanilang lalawigan, may pasalubong sa lotto afficianados ang unang bola ng 6/55 Grand Lotto bukas, Lunes, Abril 25, na may malaking premyo na inaasahang aabot sa P135 milyon dahil sa apat na araw na pahinga at pangingilin kaugnay ng obserbasyon ng Mahal na Araw.

Walang pinalad na makahula sa kumbinasyong 05-16-20-26-35-45 na binola noong Miyerkules, Abril 20, na may katumabs na premyong P133, 144, 768.80 sa PICC compound sa Pasay City.

Samantalang ang Mega Lotto 6/45 combination ay 08-12-21-23-37-42. Ang Grand Lotto at Mega Lotto ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado na kung saan ang ilang porsiyento nito ay nauuwi sa pangkawanggawa at pagbili ng mga ambulansiya na inilalaan sa local government units (LGUs). Radito Torres

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply