Gretchen Barreto, Bea Alonzo semplang sa New York’s World Best

KUNGSABAGAY sabi ng Remate most-feared word-of-mouth film critic na si Tony V. Aguilar hindi raw kapatul-patol ang balitang minor-minor lang ang awards.

Alam nyo naman itong si Tony V. Aguilar na first Filipino winner ever ng Jury Prize for his short film “Ianfu” (Comfort Women) sa San Francisco International Film Festival ay walang believe sa mga awards abroad na gawa ng silver, bronze at finalists certificates.

Para sa kanya ang award to be noteworthy for posterity should be gold, first or jury prize or bust. Aprub kami sa ganitong pananaw ng Remate film critic namin.

Ganun pa man para sa amin kahit hindi gold, first o jury prize ang nakuha ng ABS-CBN sa nakaraang prestihiyosong New York Festivals (NYF) International TV and Film Awards 2011 over arch rival GMA-7, sa tingin namin this might lead to a bigger and more prestigious award in the future kaya sinusubaybayan namin ito.

oOo

Kalabang istasyon nadurog sa New York Festival

Ang New York Festivals® World’s Best Television & Films™ ay kumikilala sa pinakamahuhusay sa buong mundo sa mga news, sports, documentary, information at entertainment program pati na rin sa music videos, infomercials, promotion spots, openings at IDs.

Nakuha ng “Storyline” (Ito ay likha ng filmmaker na si Paolo Villaluna na kilala ni Tony V. Aguilar at manunulat na si Patricia Evangelista) ang Silver World Medal sa Biography/Profiles category at Bronze World Medal naman para sa Community Portraits category. Nakatamo rin ng certificate ang “Bloodbath in Manila,” ang pagbabalita ng TV Patrol sa Manila bus siege; at docudrama ni Ces Drilon na “I Survived.”

Ginawaran din ng  certificates ang dekalibreng drama na pinag-usapang fashion-serye na “Magkaribal” na pinangungunahan naman nina Gretchen Barretto at Bea Alonzo bilang mga finalist sa bagong Telenovela category. Bernie Villaflor

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply