Grizzlies sinagpang ang Spurs

KINUMPLETO ng Memphis Grizzlies ang match up sa Western Conference semis matapos sagpangin ang no. 1 seed San Antonio Spurs, 99-91, sa pagtatapos ng 2010-11 National Basketball Association, (NBA) first round playoffs.

Gumawa ng history ang no. 8 ranked Grizzlies sa pagpapatalsik sa top seed Spurs matapos bumanat si Zach Randolph ng 31 puntos, 11 rebounds at dalawang assists para tapusin ang serye, 4-2.

Kinailangan ng Grizzlies ng 10 season para manalo sa playoffs at ngayon ay haharap muli sila sa matinding pagsubok kontra no. 4 Oklahoma City Thunder.

Tinalo ng Thunder ang Denver Nuggets, 4-1.

Nakapagrehistro si center Marc Gasol ng 12 points, 13 boards at dalawang block shots habang tig 11 puntos ang nabuslo nina Tony Allen at Greivis Vasquez para sa Grizzlies.

Si guard Tony Parker ang tumikada ng maraming puntos sa Spurs na may 23 puntos, apat na assists at isang rebound habang pumangalawa si Manu Ginobili na nakapagtala ng 16 puntos at tig-dalawang rebounds at assists.

Si Spurs star forward Tim Duncan ay nakapagtala lamang ng 12 puntos.

Ang ibang nakapasok sa WC ay ang Los Angeles Lakers na pinisak ang New Orleans Hornets, 4-2, at Dallas Mavericks na tinalo ang Portland Trail Blazers, 4-2.

Maghaharap sa semis ang LA at Dallas sa May 2 (May 3 sa Pilipinas).

Sa Eastern Conference maghaharap ang top seeded Chicago Bulls at Atlanta Hawks habang ang no. 2 Miami Heat ay makikipagbarugan sa no. 3 ranked Boston Celtics.

Tinalo ng Bulls sa first round playoffs ang Indiana Pacers, 4-1 habang winalis ng Celtics ang New York Knicks, 4-0.

Umabot naman sa game 5 ang laban ng Heat at Philadelphia 76ers kung saan nagwagi ang una 4-1 habang sinilat ng no. 5 Hawks at no. 4 Orlando Magic, 4-2. Elech Dawa

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply