GSIS, kinalampag sa pensyon ng sundalo, pulis

INATASAN ng Senate committee on national defense and security ang Government Service Insurance System (GSIS) na pag-aralan ang sistema nito sa pagbabayad ng pensyon ng mga unipormadong tauhan ng pamahalaan.

Ayon kay Sen. Francis “Chiz” Escudero, chairman ng naturang komite, pinamamahalaan ng iba’t ibang retirement and benefits system ang kontribusyon ng lahat ng unipormadong tauhan ng pamahalaan tulad ng military, pulisya, Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Bureau of Fire Protection (BFP) at Philippine Coast Guard (PCG).

Iginiit ni Escudero na dapat iisang ahensiya lamang, tulad ng GSIS, ang hahawak ng kontribusyon ng naturang mga tauhan ng gobyerno dahil mas mababa ang benepisyong nakukuha nila kung iba-ibang sistema ang nangongolekta nito.

“Since uniformed personnel are government employees, it makes sense that GSIS handles their pension system. GSIS has the expertise on this matter and the actuarial study they are currently doing will augur well for an informed analysis of the pension system and its viability,” ayon kay Escudero.

Sa ngayon, pinangangasiwaan ng Retirement Service and Benefits System (RSBS) ang pension system ng Armed Forces of the Philippines (AFP), kaya’t mas malaki naman ang nakukuhang benepisyo ng pulisya kumpara sa mga sundalo.

“We want to put in place a mechanism that would give uniformed personnel a consistent and rationalized pension rate that equate with the value of serving in uniform,” paliwanag ni Escudero.

Ginagamit naman ng GSIS ang mga datos ng kanilang actuarial study na ibinigay ng komitre bunsod ng sunod-sunor na pagdinig at pagpupulong simula noong nakaraang taon. Ernie Reyes

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply