RH bill ‘di sagot sa kahirapan

IPINAHAYAG ni House Assistant Majority Leader at Davao City Rep. Karlo Alexei Nograles na tanging ang mga gumagawa ng condom at iba pang contraceptives ang magiging maligaya at makikinabang sa Reproductive Health bill dahil tiyak na hahakot sila ng malaking salapi mula sa ibinabayad na buwis ng taumbayan.

Kasunod nito ang pagbasura ni Nograles sa panukalang batas sabay sabing mali lamang ang paraan ng gobyernong Pilipinas sa pagtuturo o paglilinang ng mga mamamayan nito kaya’t lumalala ang kahirapan sa bansa.

“You cannot solve hunger by helping the culture of sex. It’s twisted logic to say that population control through the use of condoms and other artificial contraceptives can help fill our people’s empty stomach. What we need is to teach our people on how to be responsible as partners and as parents. Spending our people’s taxes to enrich our condom and birth control pill makers will never improve the lives of the poor,” giit ni Nograles, isa sa mga tumututol sa panukala.

“The only people who will really benefit from this Reproductive Health bill are the condom makers and their promoters and the only ones who are happy to get an endless supply of contraceptives courtesy of our people’s taxes are those who treat sex as a mere recreation,” dagdag pa ni Nograles.

Hindi rin aniya makatwirang ikumpara ang responsableng pagpapamilya sa paggamit ng artificial contraceptives sapagkat sinisira nito ang konsepto ng sariling pagdidisiplina at respeto sa kabanalan ng kasal at pagtatalik.

Ipinunto pa ni Nograles na kahit wala ang batas sa Reproductive Health, malaya namang makakapagpapogi para sa kanilang produkto ang mga kumpanya ng condom at hindi rin pinipigilan ang mga mag-asawa na pumili ng kanilang paraan upang planuhin ang laki ng pamilya.

Ibig sabihin umano nito, pagsasayang lang ng panahon at pondo ng taumbayan ang pagtutulak ng lehislasyon sa paggamit ng contraceptives.

“Instead of buying condoms, the government should use government funds to expand its free education programs and increase its free skills training facilities to ensure employment for our people,” giit ni Nograles.

“This is a useless piece of measure. We don’t need it, our country doesn’t need it. What we need are laws that can help harness the most important wealth of our nation which is its human resource. Our economy survived so many financial storms because of our human resource,” dagdag pa ng mambabatas. Beth Aragon

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply