Gusali ng Pag-IBIG posibleng gumuho

NAPILITANG lumikas ang mga opisyales at tauhan ng Home Development Mutual Fund (Pag-IBIG) at maantala ang kanilang operasyon makaraang makaramdam ng pagyanig Miyerkules ng hapon, Abril 27,  sa kanilang gusali sa kabila na wala namang lindol na naiitala sa naturang lugar.

Sinabi ni Robert John Cosico, abogado ng Pag-IBIG na napilitan silang lumikas sa Atrium Building at pansamantalang nag-set-up sa katabing Justine Building upang maipagpatuloy ang kanilang transaksyon.

Ngunit ayon kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) science research specialist Romeo Tabanlar, walang naitalang lindol ang kanilang mga instrumento sa bisinidad ng gusali.

Dahil dito, hiniling na ng Pag-IBIG sa Makati City Hall na magpadala ng grupo ng mga inhiyero upang inspeksyunin ang naturang gusali. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply