Gutom na, nilalamangan pa!

ANG daming nag-react sa kolum natin tungkol sa gutom at korapsyon.

Marami ang pare-pareho ang opinyon na kaya maraming gutom ay dahil sobra ang korapsyon sa gobyerno.

Ang pananaw ng marami ay walang pinamamahagi sa bayan ang mga tiwali at korap. Puro sa bulsa lang nila napupunta ang dapat sana ay pinagsasaluhan ng buong sambayanan. Sa ganitong pulitiko galit ang marami at sa sobrang garapal ng mga korakot sa gobyerno.

Ang paniniwala ng iba ay hindi na maaalis ang korapsyon. Yung iba, ang text nila – sige lang kayo mga korap, pero mamahagi naman kayo. Ang tanong ko sa inyo – sang-ayon ba kayo sa ganitong pananaw? May nag-text sa akin na sa kanilang syudad ay lagi nya binoboto ang isang pulitiko. Pero nang lumapit sya ng tulong para sa gamot ay referral sa isang ospital ang binigay ng pulitiko sa kanya, eh gamot ang kailangan nya. Sabi nya, yang pulitiko na yan, binoboto ko kahit anong posisyon ang takbuhan.

Ngayon milyonaryo na sya, magaling dumikit kay PGMA at kay PNoy. Samantala ako mahirap pa rin.

Ang tanong sa inyo dear readers – ano ang dahilan kung bakit patuloy na nakakaupo sa pwesto ang mga hindi kanais-nais na pulitiko? Mula ng binoto natin ang mga nanunungkulan sa gobyerno at nakikita nyo na nagiging mayaman ang marami sa kanila, may pagbabago ba naman sa buhay nyo?

Ito lagi ang isipin natin, araw man ng botohan o hindi.  Sa susunod na may pagkakataon tayo na magluklok sa pwesto ng isang pinuno, isipin natin ang panahon na nangailangan tayo, ang panahon na nagutom tayo at ang panahon na nakita natin na yumayaman ang mga tiwali at naghihirap ang bayan. Nagugutom man ang maraming PNoy, sana ay huwag naman na lagi na lang tayo nilalamangan ng mga tiwali sa pamahalaan.

Mag-text po kayo sa akin sa 09209280847 o mag- email sa: ariel.inton@gmail.com. Mahalaga sa akin na malaman ang inyong salobin at opinyon tungkol sa isyung ito. Atty. Ariel Enrile-Inton

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply