Hakot-rali ni PNoy sa poll postponement kinastigo

KINASTIGO ng isang senador ang paghahakot ng mga rallyista ng Palasyo upang “gipitin” ang Senado na pagtibayin ang panukalang batas na naglalayong ipagpaliban ang nakatakdang halalan sa Autonomous Region for Muslim Mindanao (ARMM).

Ayon kay Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na hindi nakukuha sa lakas ng sigaw sa picket line o palakihan ng placard ang magiging desisyon ng Senate committee on local governments sa panukalang ipagpaliban ang halalan sa ARMM.

Sa tuwing may pagdinig sa Senado hinggil sa naturang panukala, may ilang nagrarali sa harapan ng Senado na nakasuot ng dilaw na damit na may pakahulugan na kaalyado ni Pangulong Benigno Aquino III ang pasimuno ng demonstrasyon.

Ngunit, ayon kay Marcos, may legal at konstitusiyunal na konsiderasyon na isyu na dapat tugunan upang ipagpaliban ang nakatakdang halalan sa ARMM sa Agosto.

“The legal and constitutional merits have to be properly examined,” the Senator pointed out.

He added that the committee also has to give time for political debates on the poll postponement, including whether holding them at the same time as national elections will be good for the region,” ayon kay Marcos.

Pinakamadaling panahon na maipresenta ang committee report sa plenaryo sa pagbubukas ng sesyon sa Mayo 9. Nakatakda ang halalan sa Agosto 8, 2011 at kailangan nang magsimula ang paghahain ng Certificate of Candidacies sa Mayo 2.

Sinabi ni Marcos na sinusunod lamang ng komite ang alituntunin sa paghahawak ng deliberasyon sa panukala.  “It’s not difficult to imagine the time constraints posed by the schedules I’ve just mentioned. Be that as it may, we will continue to do our Committee work, but making sure all sides are heard and the true sentiments of the people of ARMM are adhered to and given its proper weight as residents of the autonomous region with emphasis on “autonomous.”

Bahagi ng orihinal na panukala ng Palasyo na pagtatalaga ng Officer-in-charge sa babakantehing posisyon ngunit kailangan pang pagdebatehan ito dahil labasg sa Saligang Batas ang naturang pagkilos. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply