Half-Brit na direktor nasalba ni Pilar Pilapil

KUNG natuloy ang miting ng kontrobersyal na direktor na si Jowee Morel sa beterana at maalingasngas ding aktres na si Pilar Pilapil kasabay ng pulong ng huli sa babaing taga-Nestle Philippines na sumusporta sa Pilar V. Pilapil Foundation, disin sana’y kasama rin ang filmmaker sa kidnapping at pagtortyur sa beauty queen.

Nakatakda kasi ang usapan nina Jowee, isang British-Pinoy na direktor at Pilar bago ang negosasyon ng aktres sa taga-Nestle na si Roselle Rosalem.

O isasabay ni Pilapil ang meeting kay Jowee kay Roselle sa Robinsons Galleria.

Nasa Spices Rastaurant kasi ang mag-asawang Bernie Peñas at Pilar at nagdi-dinner bago dumating si Roselle.

Pero nagpapa-xerox pa nga si Morel ng iskrip ng “Leona Calderon,” ang kuwento ng isang limampu’t siyam na taong gulang na OFW sa London na may unterine cancer at nagugulumihanan kung uuwi siya sa Pilipinas at dito mamatay o sa ibang bansa siya papanaw at ililibing.

Kaya nga nagmamadali si Jowee na matapos ang photocopying ng script na gagampanan ni Pilar para makaabot sa hapunan ni Bernie at ng aktres.

Pero hindi nga nakaabot si Morel sa Robinsons dahil nagbilin na si Pilar na mauna na si Jowee, ang kanyang aktor na si Jay-R Sta. Maria ng “Strictly Confidential,” si Peñas at ang kolumnistang ito sa Levitown sa Parañaque City para sa miting sa prodyuser ng “Vagina Monologues” na si Mia D’Bayan.

“I’ll just follow there,” sabi pa ni Pilaring.

Talagang si Pilar ang gusto ni Jowee na lumabas bilang Leona Calderon pero nang tumawag sa kanya ang direktor mula sa London ay magulo nga ang iskedyul ng aktres at nakatakdang magkaroon ng maraming opisyo sa panahon na gagawin ang pelikula sa London.

Kaya nga naisip din ni Morel si Tia Pusit.

“Pero initially, when I was writing the script, si Pilar talaga ang nasa isip ko. Pero nang parang hindi puwede si Pilar, naisip ko si Tia Pusit. She would also be nice and fitted for the role.

“Kaya nga lang, nang nadito na ako, I also had to speak to Tita Pilar. Kaya I called you up to set an appointment with her, di ba?” tanong ni Jowee na idinidirek sa amin.

Mabuti nga at ipinagpaliban ni Jowee ang oras ng miting kay Pilar dahil kung hindi, makakasama ang direktor sa kidnapping at pagsaksak kay Pilapil.

“It’s very traumatic. Nakakapangilabot. My God! It’s telling me it’s very unsafe here,” pahayag ng artikulanteng direktor.

“Hanggang ngayon ay hindi ko makalimutan ang nangyari. Kasi, nagbantay ako kay Tita Pilar sa ospital at talagang inasikaso ko siya hanggang sa madala siya sa kuwarto ng ospital,” kuwento ni Jowee. Boy Villasanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply