Hamon kay COA Comm. Heidi Mendoza

TULAD ng hula ng marami, binigyan ng Malacañang si whistle blower Heidi Mendoza ng puwesto sa Commission on Audit (CoA).

Kaya nga lang, hindi ang pagiging chairperson ng ahensya ang iginawad na posisyon kay Heidi, kundi komisyoner lamang.

Magkaganunman, nabigyan ito ng pagkakataon para patunayan na siya’y ‘di katulad ng maraming CoA officials.

Napabilib ang marami, pati na ang Palasyo sa ipinakitang pagbubulgar sa korapsiyon sa Armed Forces of the Philippines.

Sa ipinakitang tapang at sensiridad, ayaw man aminin, natuwa ang Malacañang kaya, ginawa siyang CoA komisyoner.

Marami ang natuwa, pero ang mga galit ngayon kay Comm. Mendoza ay lalong nagalit. Weather, weather lang yan.

Isa ang Chokepoint sa maraming natuwa sa pagkakatalaga kay Heidi bilang isa sa ngayo’y mataas na opisyal sa dati’y tinalikuran niyang opisina dahil sa korapsiyon.

‘Di man sinasabi ng Palasyo, maliwanag na magsisilbing role model si Heidi sa iba pang opsiyal ng ahensya.

Naniniwala ang Malacañang na ‘di magnanakaw sa kanyang puwesto si Heidi, bagkus magsisilbi itong ‘bantay’ sa mga CoA official na kawatan.

Hamon natin kay Heidi, patunayan niyang karapat-dapat siyang maging mataas na opisyal ng Commission on Audit.

o0o

Kung korapsiyon ang pag-uusapan, diyan sa CoA, tatlo singko ang mga korap na CoA officer.

Kaya nga nagkakahetot-hetot ang pamamalakad sa mga ahensya ng gobyerno ay dahil sa ‘di masawa-sawatang pagnanakaw ng mga CoA officer.

“Di lang sa mga government office marami ang korap na CoA officers, kundi sa mga Local Government Unit din.

Kung ang mga CoA officer ay matitino lamang, siguradong walang government official, senador, kongresista, gobernador, mayor at mga department head na makapagnanakaw ng pera sa kaban ng bayan.

Sa kalakaran kasi sa gobyerno, nagsama-sama na ang mga CoA officer at government official sa pagmamaniobra sa pondo ni Mang Juan para magkasalapi sa pamamagitan ng komisyon at pagnanakaw. Bong Padua

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply