Hamon kay PNoy: Sugpuin ang drug rings

HINAMON ni Cagayan Rep. Jack Enrile ang administrasyong Aquino na sugpuin ang sindikato ng droga na nagsasagawa ng operasyon sa buong bansa.

“I dare all armed agencies of the Aquino administration to search and destroy the tentacles of international drug syndicates prying on Filipino tourists and OFWs to be their couriers abroad,” wika ni Enrile.

Malaki ang paniwala ng mambabatas na kung alerto lamang ang kapulisan, airport security, National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ay hindi sana o naiwasan ang pagbitay sa tatlong Pinoy sa China.

Tahasang sinabi ni Enrile na matagal nang kumpirmado na ang Pilipinas ay ginagawang transshipment point ng industriya ng iligal na droga.

Hindi ito bagong balita sa mga awtoridad, ayon kay Enrile, subalit may hinala siyang nagpabaya lamang ang mga ahensya ng gobyerno.

“Corruption on the point of agents of government who are paid to look the other way around and poverty because the syndicates zero in on marginalized families who may be willing to do the errand to ensure the survival of his or her family,” aniya.

Hinimok din ni Enrile ang mga namumuno sa airport na ilipat ang mga personnel at maglatag ng malinaw na sistema upang masawata ang sindikato ng droga. Meliza Maluntag

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply