Hamon kay QC Mayor Herbet ‘Bistek’ Bautista

‘HUMBLE, approachable at matuwain’ ang karaniwang maririnig na pagsasalarawan kay Quezon City Mayor Herbert ‘Bistek’ Bautista.

Kaya, marahil, sa buhay pulitika, naging matagumpay. Naging konsehal at Bise alkalde ng maraming beses ng QC si Bistek.

Ngunit yan ay noon. Dahil ngayon ay nagbago na raw ang komedyanteng artista-turned politician- nang maging alkalde.

Palagi na raw itong nakasimangot at mahirap nang lapitan. Hindi na umaaksiyon sa hinaing at sumbong ng mamamayan.

Katulad na lang sa sumbong na pamamayagpag at panghahasik ng lagim ng isang kilala sa alyas na ‘Papa Mayor’ sa lungsod.

Ang nakapagtataka, bakit ‘di masawata ni Bistek ang ginagawa ni ‘Papa Mayor’, gayong ang nakataya ay ang kanyang kahihiyan?

Gaya na lang sa pagbibigay ni ‘Papa Mayor’ ng ‘go-signal’ sa operasyon ng iligal na sugal sa lungsod. Hanep talaga si Papang.

Isang retired general at ‘Col. Abalos’ ang advisers ni ‘Papa Mayor’ –  na nagbigay ng prangkisa sa loteng sa isang ‘Lito Motor’ sa QC.

Si Motor ang sinasabing pinakamalaking GL sa lungsod ni Bistek na kumukolekta ng mahigit P1 milyon sa isang araw.

Ngayon…kung talagang tunay na public servant si Bistek na rumerespeto sa mga nagluklok sa kanya sa puwesto, aba’y kumilos ka, mayor.

Ang hamon natin sa Ama ng QC ay rendahan at huwag makinig sa ‘sulsol’ na kapahamakan nina retired general at ‘Col. Abalos.

Hamon pa natin kay mayor…rendahan din si ‘Papa Mayor’ dahil sa bandang huli ang taong ito ang magbubulid sa kanya sa kapahamakan.

Hamon pa natin… pahuli si Motor, kasama ang kabo niyang kolektor na si Naneth Santos sa area ng Kamuning at Galas.

Ang ilan pang kabo ni Motor ay si Tita Puti sa area ng Gulod sa Novaliches at Tata Poleng sa area naman ng Masambong.

Si Bobby sa Kalayaan; Dodong sa Mendez, Sangandaan; Dennis sa Nova proper; Marlie sa Maligaya area at Nestor sa Tandang Sora.

Ganundin sina Ferdie, Buboy at Jojo sa Murphy at Pining sa Holy Spirit.

Ituloy natin ang talakayan sa isyung ito… sumubaybay lang. Bong Padua

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply