Hamon kina John Gabriel Perlas at Shamcey Supsup

SIRANG-SIRA ang buhay ni Juan at ang kanyang imahe sa abrod. Ito ang lantad na katotohanan na ‘di maikakaila ni PNoy.

Gaano man kabilis at kaseksi ang kotseng Porsche ni PNoy, hindi nito matatakasan at mapagtatakpan ang katotohanan.

Sirang-sira na nga ang buhay ni Juan dahil sa mga hinayupak na korap. Kung saan-saang bansa naman nahuhuli bilang drug mule o tagabiyahe ang lahi ni Juan.

Sa kamay ng mga korap, mahigit kalahati ng mga pondo para sa mga proyektong pablik serbis ang nawawalang parang bula. At lumilitaw na lang ang mga ito bilang mansyon sa abrod o palasyo rito, mamahaling sasakyan, farm at sosyo sa mga negosyo at maluhong pamumuhay ng mga korap.

Kaya naman nagkakaloko-loko ang buhay ni Juan.

Nagbubunga naman ito ng paglayas ng kanyang lahi papuntang abrod.

Kung hindi maging alila sa mga dayuhan, nagiging drug mule ang mga ito. Kaya naman puro kahihiyan at bitayan ang inaabot ng mga ito.

oOo

Tiyak na hindi kaila kina UP summa cum laude John Gabriel Perlas at UP magna cum laude-topnotch architect-Bb. Pilipinas Universe Shamcey Supsup ang mga nakaiinis na katotohanang ito.

Sakaling mapuwesto si Perlas sa gobyerno, gagamitin kaya niya ang galing niya sa matematiks sa pagkuwenta ng mga dinarambong ng mga korap?

At tutulong ba siya sa pagposas sa mga korap tungo sa mga bilangguan?

Ito naman si Supsup, bukod sa pagpapahalaga sa edukasyon, bilang ambasadres ng Pinas sa labas ng bansa, tutulong ba siya sa pagbura sa tatak ng mga overseas Filipino worker na alipin, katulong o maid o drug mule?

Kung walang gagawin ang mga ito?

Hindi na pag-asa ng bayan ang mga kabataan! Rey Briones

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply