Hapon na-overdose sa droga, namatay sa hotel

MASANGSANG na amoy ang nagturo sa bangkay ng 55-anyos na turistang Hapon na natagpuang bumubula ang bibig, habang nasa tabi ang mga basyo ng inimon na gamot sa loob ng kanyang inupahang silid ng isang hotel sa Ermita, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Isao Murano, tubong Osaka, Japan at pansamantalang nanunuluyan sa Solani Hotel sa panulukan ng Leon Guinto at J. Nakpil Sts., sa Ermita.

Batay sa report ni Det. Jett Tajonera na isinumite kay P/Sr.Insp. Armando Macaraeg, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, kaninang umaga, Abril 10 nang makaamoy sila ng masangsang sa loob ng silid ng biktima.

Ngunit nang kanilang katukin ay walang sumasagot dahilan para kumuha ng duplicate key ang roomboy at natagpuang patay na ang dayuhan.

Katabi ng biktima ang kutrsa, lighter na may nakalagay na foil na hinalang ginamit nito sa paghitit ng shabu at mga basyo ng tableta na may tatak ng salitang Japan.

Iniimbestigahan pa ng pulisya kung may foul play sa insidente. Rene Crisostomo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply