Hate campaign

MALAKING balita si Willie Revillame lalo na pag masama at pagtira sa kanya. Kamakailan ay natabunan ang Ligot, Lacson at Mikey Arroyo ng balitang Willie Revillame at ang batang si Janjan.

Child exploitation daw ang ginawa ni Willi kaya kabi-kabila ang batikos sa kanya at ang pinakagrabe ay ang pag pull out ng mga advertisers sa programa nya.

Kailan man ay hindi ako naging tagahanga ni Willie pero hanga ako sa drawing power nya sa masa. Siya ang tao na maraming galit, marami din ang natutuwa. Balik tayo kay Jan-jan. Bilang abogado hindi ko na tatalakayin ang kasong isinampa laban kay Willie.

Ang alam ay nag-apologize sya at may kaso na sa MTRCB at Commission on Human Rights. Pero ang tanong ko, ang mga tumitira ba kay Willie ay talagang may simpatiya sa batang si Janjan? O ginagamit lang si Janjan laban kay Willie? Kung sa ibang host ng ibang programa ay nangyari ang ganito, ganito pa rin kaya ang kampanya?

Kung talagang galit ang mga ito sa ginawa ni Willie, bakit hindi kaya natin i-review ang ibang programa at makikita natin na maraming Janjan. Huwag natin gamitin si Janjan para lang ilaglag si Willie Revillame. Kaya maganda talaga imbestigahan ang mga sumasawsaw sa isyu ni Janjan.

Tingnan natin ang ibang programa sa TV imbes na gumastos para sa hate campaign against Willie sa media, ibigay na natin ang pera sa pamilya ni Janjan.  O kaya mas maganda, sa  mga institusyon na nangangalaga sa mga bata na tulad ni Janjan. Kailangan maging mas malawak ang isyung ito para labanan ang child exploitation, child prostitution, at para rin sa pangangalaga sa mga bata. Hindi natin kinakampihan si Willie sa kanyang maling asal pero di tayo sasama sa mga tao na ginagamit ang isyu  ni Janjan para siraan si Willie

Mag-text po kayo sa akin sa 09209280847 o kaya ay email sa: ariel.inton@gmail.com. Mahalaga sa akin na malaman ang inyong salobin at opinyon sa isyung ito. Atty. Ariel Enrile-Inton

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply