Health centers sa bawat barangay isinusulong

DALAWANG milyong sanggol ang namamatay taun-taon dahil sa kakulangan ng pangangalaga at kaalaman sa pagbubuntis.

Ito ang iniulat ng Lancet, isang global medical journal na dalawang milyong sanggol ang namamatay taun-taon sa buong bansa dahil hindi nabibigyang ng tamang pangangalaga sa kalusugan sa panahon ng pagbubuntis ang isang babae kaya nasa sinapupunan pa lamang ang sanggol ay namamatay na.

Gayundin, kung naipanganak na ang sanggol ay mga kaakibat naman na komplikasyon, impeksyon at congenital abnomalities na nagiging sanhi ng kanilang kamatayan.

Dahil dito, iginiit ni Senador  Edgardo J. Angara ang pagtatayo ng mas maraming health centers sa bansa upang maibsan ang dumaraming bilang ng mga namamatay na sanggol. 

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply