Sahod ng health workers hiniling itaas

BUKOD sa mga empleyado ng pamahalaan, humingi na rin ng dagdag-sweldo ang health workers sa bansa.

Sa isinagawang protesta ng Alliance of Health Workers (AHW) sa tapat ng Philippine Heart Center (PHC) sa Quezon City, nanawagan si AWH National President Emma Manuel sa gobyerno ng P6,000 na dagdag-sahod para sa basic salary ng mga ordinaryong health workers tulad ng midwife na nasa P7,000 lamang ang buwanang sweldo.

Hiling din ng grupo na itaas sa P50,000 ang sweldo ng mga doktor.

Bukod dito, ayon sa grupo napapanahon na rin na itaas sa salary grade 15 o mahigit sa P24,000 ang sweldo ng mga nurse upang hindi na nila lisanin ang bansa para makapgtrabaho lao na yung mga bagong gradweyt.

Inihayag din ni Manuel na ikakakasa nila bukas, Abril 7 ang isang malaking kilos-protesta katuwang ang mga pampublikong guro at empleyado ng pamahalaan  hinggil sa umento sa sahod. Bineza Zapanta

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply