Heat naupos sa Bucks

NALAGLAG sa pangatlong puwesto ng Eastern Conference (EC) ang Miami Heat matapos matalo, 85-90, sa Milwaukee Bucks, na eliminated na sa playoffs, sa nagaganap na 2010-’11 National Basketball Association regular season.

“Nobody said this was going to be easy,” saad ni Heat coach Erik Spoelstra.

May 54-24 win-loss card ang Heat, at kahit na manalo ang natitirang apat na laro nila, kailangan matalo ng dalawang beses ang Boston Celtics (54-23) upang makuha nila ang second rank sa EC.

Lamang sa tie-break points ang Celtics sa Heat dahil winalis ng una ang tatlong panalo laban sa huli.

Na-balewala ang 29 puntos, walong assists at dalawang block shot at dalawang rebound ni Heat star forward LeBron James dahil sa natalo rin sila.

“Every time you play them, it’s going to be one of those grind-it-out tough games,” pahayag ni James. “They make it very physical. I’ve played against Scott Skiles teams when he was in Chicago and now in Milwaukee, and it’s always the same effort.”

Nalaglag ang Bucks nang talunin ng Indiana Pacers ang Washington Wizards, 136-112.

“You don’t want to take anything away from it,” wika ni Skiles. “The reality is that we got eliminated tonight.”

Si Bucks guard, John Salmons, ang bumira ng maraming puntos matapos isalpak ang 17 points at limang rebounds.

Samantala, pirmis na sa top spot ng EC ang Chicago Bulls at nakuha na nila ang homecourt advantage sa conference finals na may 57-20 panalo-talo karta.

Sa ibang NBA resulta, tinambakan ng San Antonio Spurs at Sacramneto Kings, 124-92 habang nagwagi ang New York Knicks sa Philadelphia 76ers, 97-92. Elech Dawa

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply