Heat umakyat sa 2nd spot

KUMAPIT ang Miami Heat sa second spot ng Eastern Conference matapos nilang talunin ang karibal sa puwesto na Boston Celtics, 100-77, sa nalalapit nang magtapos na 2010-’11 National Basketball Association regular  season.

Nagtulong sa opensa sina Heat star players Lebron James, (27 pts., seven assists at five rebounds) at Dwyane Wade, (14 pts. eight assists at five boards.) upang maging no. 2 seed sa East playoffs na malapit ng umpisahan.

“It was a playoff-atmosphere type of game, from the fans to both teams’ approach to what the game meant,” sabi ni Wade. “It had that feel.”

May 56-24 win-loss card ang Miami Heat, habang topnotcher naman sa Eastern conference ang Chicago Bulls na may 60-20 panalo-talo karta. Lagapak naman sa third spot ang Celtics na may 55-25 standing.

Nagdagdag ng 13 puntos at walong rebounds si Chris Bosh na ikinatuwa ng Heats coach, Erik Spoelstra, dahil 0-3 sila sa Celtics at naka-isa sila ngayon.

“We proved we can beat them tonight,” wika ni Spoelstra. “That’s about it, in my mind.”

“We’d like to play them, I can tell you that,” sagot naman ni Celtics coach Doc Rivers. “And we may have to if we want to go somewhere.”

Sina Celtics Paul Pirce at Kevin Garnett ang kumana ng maraming puntos matapos tumikada ng 24pts., pitong rebounds, dalawang assists at 21 pts. apat na boards, dalawang assists ayon sa pagkakasunod.

“What else do you expect? It’s Boston-Miami,” pahayag ni Garnett. “Supposedly it’s two, if not the top two, teams in the East. You have to expect that. You have to expect that coming in here you’re not going to get the call. You had to expect their passion—a team you have beaten three times.”

Samantala, walang humpay amg pananagasa ng Chicago Bulls matapos talunin ang Orlando Magic, 102-99 habang nanalo ang New York Knicks sa Indiana Pacers, 110-109.

Umakyat sa pang-anim na puwesto ang Knicks habang nasa pang walong puwesto naman ang Pacers sa Eastern Conference. Elech Dawa

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply