Heidi Mendoza bagong COA commissioner

BALIK Commission on Audit (COA) na si “pabaon” whistleblower Heidi Mendoza matapos itong italaga na bagong commissioner ng ahensya ni Pangulong Benigno Aquino III.

Kasabay na itinalaga ni Pangulong Aquino si dating Finance Undersecretary Grace Tan bilang COA chairperson sa press briefing ngayong Martes, Abril 5 sa Palasyo.

Nakatakdang palitan ni Tan ang dating COA Chief Reynaldo Villar, na ayon sa ipinalabas ng Malakanyang na appointment paper nito ay tapos na ang kanyang termino bilang pinuno ng naturang komisyon noon pang Pebrero 02, 2011.

Ayon kay Communications Secretary Ricky Carandang, hahalili si Mendoza sa nabakanteng posisyon ni dating COA Commissioner Evelyn San Buenaventura.

Nauna rito, noong kasagsagan ng pagdinig ng Senado sa mga nagaganap na kuropsyon sa Armed Forces of the Philippines (AFP), ang bagong talagang COA Commissioner na si Mendoza ang nagpasabog ng kontrobersyal na “pabaon” na ibinibigay sa mga nagreretirong AFP chief of staff na kinukuha sa pondo ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

At sa pakikipag-usap ni Mendoza kay Pangulong Aquino ay inalok ng Chief Executive ang naturang whistleblower kung nais nitong bumalik sa serbisyo sa gobyerno ay bukas ang Palasyo sa pagbibigay ng puwesto para rito sa burukrasya.

Ang naturang pasabog ni Mendoza ang sinasabing instrumento upang masampahan ng kasong plunder si dating AFP comptroller retired General Carlos Garcia sa Sandiganbayan, na isinalaysay pa ng bagong talagang COA Commissioner kung paano nagawa ni Garcia na maideposito sa personal account nito ang milyun-milyong pondo ng militar.

Sa mga unang Senate inquiry ay hindi gaanong natatawag ang pansin ng publiko sa mga pasabog ni Mendoza subalit biglang pumutok sa taumbayan ang isyu sanhi ng pinasok na plea bargain deal ng Office of the Ombudsman sa kampo ng dating AFP comptroller ay maibaba na lamang sa kasong bribery at money laundering ang orihinal na kasong plunder na isinampa kontra kay Garcia.

Dahil sa nangyari, muling ipinatawag si Mendoza sa Senate inquiry at House probe upang muling bigyan liwanag ang bigat at lalim na kinasangkutan ni Garcia sa pabaon scandal ng AFP. Axel Sam

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply