Higit 12,000 na ang patay sa Japan

MAHIGIT na sa 12,000 ang kumpirmadong patay sa Japan dahil sa magnitude 8.9 na lindol na tumama sa doon na sinundan pa ng higanteng tsunami noong Marso 11.

Ang lugar na may pinakamataas na bilang patay ay ang Miyagi Prefecture (7,318). Ito ay sinundan ng Iwate prefecture (3,518). Ang iba pa ay mula sa ibang area ng eastern Japan, kabilang din ang pito sa Tokyo, ang sentro ng bansa.

Na-identify na ang mahigit sa 80 porsiyento ng mga bangkay at karamihan sa mga ito ay naibalik na sa kanilang mga kaanak.

Ayon sa Japanese authorities, ang bilang ng mga nawawalang tao ay nasa mahigit 15,000 pa. Marami pang mamamayan ang nawawalan ng kaanak.

Sinabi rin nila na posible pa ang pagtaas ng bilang ng mga namatay dito dahil na rin sa ang ilang lokal na munisipalidad doon ay hindi matukoy ang bilang ng mga nawawala sa kani-kanilang lugar. Ito ay dahil sa winasak ng tsunami ang kanilang mga lugar.

Samantala, suspindido pa rin ang search operations sa 20-kilometer mula sa napinsalang  Fukushima Daiichi nuclear power plant. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply