Hiniwalayan ng kasintahan nagpatiwakal

NAGPAKAMATAY sa pamamagitan ng pagbibigti ang isang construction worker makaraang kalasan ng kanyang kasintahan sa Valenzuela City.

Ang biktima na lawit na ang dila nang matagpuan ay nakilalang si Marlon Abique, 24, ng Area 4, Riverside Pinalagad, Malinta, nasabing lungsod.

Sa ulat ni Chief Insp. Danny Ibay, hepe ng Station Investigation Division ng Valenzuela police, alas 5:30 ng umaga nang matagpuang nakabitin ang biktima at wala nang buhay sa loob ng kanyang kwarto ng kanilang tahanan.

Nagulat na lamang ang tiyahin ng biktima na si Melba Ileto nang makitang nakabitin na ang biktima gamit ang nylon cord.

Nabatid, na masyadong dinamdam ni Abique ang hindi nila pagkakaunawaan ng kanyang kasintahan na humantong sa paghihiwalay.

Mula noon ay palagi na umanong naging malungkutin ang biktima at hindi na pumapasok sa  trabaho. Roger Panizal

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply