‘Hiphop’ na pag-awit sa pasyon, OK sa obispo

OK LAMANG kay Caloocan Bishop Deogracias Iniguez kung gagamit ng mga modernong himig tulad ng ‘hiphop’ang mga kabataan sa pagbasa ng pasyon ni Hesus ngayong Mahal na Araw.

Ayon kay Iniguez, chairman ng Episcopal Commission on Public Affairs (ECPA) ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), wala siyang nakikitang masama sa hiphop na tono kung mas maipapakalat naman ang mensahe ng pasyon ni Hesus sa mas nakararaming kabataan.

Naniniwala ang Obispo na kung sa mas makabagong himig ang gagamitin sa pasyon ay posibleng mas makakatawag ito ng pansin sa mga kabataan.

Payo lamang ni Iniguez, gawing malinaw ang pag-awit ng pabasa para maintindihan ng mga makikinig at sila ay makapagnilay-nilay. Kyle Gatus

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply