Hitik sa bunga…binabato!

MAY kasabihan na kapag ang puno ay hitik sa bunga…binabato!

Ganyan ang nangyayari kay SPO4 Narciso ‘Nonoy’ M. Amante, kilalang magaling na police intelligence officer.

Sa pagiging alagad ng batas, nagsusumikap si Sgt. Amante kaya naitalagang team leader ng 4th PIT-PIB ng Batangas provincial police.

Alamat si sarhento sa larangan ng law enforcement na kinatatakutan ng mga kriminal, ngunit minamahal ng mga masunurin sa batas.

Katunayan, si Sgt. Amante ay ‘recipient’ ng 50 medalya, katulad ng medalya ng bayani, kagitingan, kahusayan at kasanayan.

Halos lahat na yata ng medalyang ibinibigay sa isang mahusay na alagad ng batas ay iginawad na kay Sgt. Amante.

Bukod sa mga medalyang ito, tumanggap na rin siya ng mahigit 100 ‘recognition’ at ‘commendation’ mula R-4A, R-4B at Camp Crame.

Sa mga medalya, recognition at commendation na ito, sipag ang naging puhunan at panganib ng buhay ang itinaya ni Sgt. Amante.

Kumbaga sa pelikula, taglay ng madramang buhay ni Sgt. Amante ang materyales ng isang  maganda at dudumuging pelikula.

Dahil bukod sa magaling na alagad ng batas, si Sgt. Amante ay nagsumikap din sa larangan ng negosyo at  nagtagumpay.

Napaunlad nito ang Amante Ventures Corporation, na ekslusibong supplier ng mga botelya ng San Miguel Corporation sa R-4A at R-4B.

Nagsimula lamang si Sgt. Amante ng pamimili ng used bottles, hanggang sa palarin itong
mapalaki ang kanyang kompanya.

Ang pagiging popular nito bilang alagad ng batas at matagumpay na negosyante ang nagdala sa kanyang pamilya sa rurok  din ng tagumpay.

Ang anak na babae  ay nahalal na bokal sa 4th district ng Batangas, samantalang ang bayaw ay naging Pangulo ng Liga ng Barangay.

Kuwento ni Sarhento Amante sa Chokepoint, masaya siya sa kinahinatnan ng estado ng kanyang buhay  at pamilya.

Subalit, hindi sa ginagawang paninira sa kanyang buhay ngayon ng ilang nilalang na, aniya’y naliligaw ang landas.

Dahil hitik sa bunga, binabato si Sgt. Amante. Ganun lang yon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply