Hoarding ng pagkain posibleng mangyari

“HOARDING” o pagtatago ng mga produktong agrikultural at ng bigas ang pangambang mangyari ng isang mambabatas dahil sa banta ng food crisis.

Pinakikilos na ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone ang gobyerno laban sa posibleng hoarding ng mga produkto dahil sa posibleng banta ng krisis sa supply ng pagkain.

Ang panawagan ni Evardone ay kasunod ng banta ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) na napipintong dumanas ang bansa ng krisis sa pagkain dahil sa pagbaba ng produksyon ng bigas ng mga bansang nagtatanim na palay katulad ng Pilipinas.

Nangangamba ang mambabatas na dahil sa pahayag na ito ng NICC ay magsamantala ang mga tiwaling negosyante para magtago ng mga suplay para lalo pang tumaas ang presyo nito.

Ngayon aniya dapat ipakita ng administrasyong Aquino na nakahanda itong parusahan ang mga negosyanteng magsasamantala sa sitwasyon at magtatago ng suplay ng pagkain.

Katuwiran ng kongresista hindi ito pananakot. Aniya, mismong ang NICA na aniya ang nagbabala na posibleng magkaroon ng polical unrest o kaguluhan kapag tumaas ang presyo ng bigas. Meliza Maluntag

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply