Holdaper na natimbog ng MPD may nakabinbing kaso ng robbery at murder

BUKOD sa kasong kinahaharap ng riding in tandem na nasabat ng mga operatiba ng Manila Police District-Sta. Cruz Police Station 3 kamakailan, nadiskubreng may tatlo pang nakabinbing kaso ng robbery at murder ang isa sa dalawang suspek.

Batay sa ulat ni P/Supt. James Afalla, Station Commander, lumitaw na may tatlong kasong kinahaharap ang suspek na si Mario del Rosario, Jr. kabilang na ang robbery na meron nang sentensya. Meron din itong ongoing case na robbery at murder.

Nitong Abril 15, nadakip ang suspect at ang kasabwat nitong 16-anyos na itinago sa pangalang “James” matapos hablutin ang pouch ni Clemente Robert  Ybanez habang naglalakad ito papasok sa trabaho sa panulukan ng F. Yuseco st. sa Sta.Cruz, malapit sa SM San Lazaro.

Armado ng baril ang dalawa ng mamataan nina PO3 Nelson Estuaria at PO2 Emmanuela Valenzuela na lulan naman ng Mobile Patrol.

Nasukol ang mga suspek sa Herrera st. malapit sa panulukan ng F. Yuseco St. sa Sta. Cruz matapos mabunggo ang minamanehong motorsiklo. Rene Crisostomo

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply