Holdaper ng jeep, dedo sa pulis

UTAS agad ang isang hinihinalang holdaper, habang nakatakas naman ang dalawang kasamahan nito, matapos makipagbarilan sa tauhan ng Philippine National Police-Criminal Investigation Division Group (PNP-CIDG).

Ang palitan ng putok ay nangyari matapos maaktuhan ng tauhan ng PNP-CIDG na hino-holdap nito ang mga pasahero ng isang pampasaherong jeep kahapon ng madaling araw sa kahabaan ng C4 sa Caloocan City.

Sanhi ng tatlong tama ng baril, namatay agad sa pinangyarihan ang suspek na nakilalang si Robin Cruz y Baclohan, 19, walang hanapbuhay, ng 1569 Salmon St., Dagat-dagatan ng nasabing lungsod.

Mabilis namang nakatakas ang dalawang hindi pa nakikilalang kasamahan ng nasawi.

Ayon sa isinagawang imbestigasyon SPO2 Rick Concepcion ng Northern Criminal Investigation Division Group, ganap na alas-5:30 ngayon ng madaling araw nang maganap ang insidente sa tapat ng Hanibal gasoline station sa C4 road.

Base sa salaysay ng saksing si Eduardo Tenoria, 44, driver ng pampasaherong jeep, habang sila ay nasa tapat ng nasabing gasolinahan ay agad nagdeklara ng holdap ang tatlong suspek. Pumalag naman ang ilang pasahero hanggang magkaroon ng kumusyon.

Dahil dito, nakatawag pansin ang nasabing pangyayari kay SPO2 Bernard Salviosa at agad itong rumesponde. Nang makita nitong may hawak na sumpak si Cruz, agad pinaputukan ito ng nasabing pulis na agad ikinamatay nito sa pinangyarihan.

Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon at isang manhunt operation ang mga pulisya sa ikadarakip ng nakatakas na dalawng suspek. Roger Panizal

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply