Holdaper todas sa pakikipagbarilan sa pulis

UTAS ang isang holdaper matapos nakipagbarilan sa mga rumespondeng pulis habang nakatakas naman ang kasama nito makaraang holdapin nito ang isang negosyante at tricycle driver Huwebes ng umaga, Abril 7, sa Caloocan City.

Dead-on-arrival sa Tala Hospital sanhi ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang parte ng katawan si Charlie Jiojan, 23, habang nakatakas naman ang hindi pa nakikilalang kasamahan nito.

Kinilala naman ng mga awtoridad ang mga biktima na sina Irish Gonzalez, 27, negosyante, at si Benjie Ong, 20, tricycle driver.

Base sa isinagawang imbestigasyo ng Station Investigation Division (SID) ng Caloocan-PNP, naganap ang insedente dakong alas 1:00 ng umaga sa kahabaan ng Phase 7A, Barangay 176, Bagong Silang sa nasabing lungsod.

Naglalakad umano pauwi ang mga biktima ng harangin ito ng dalawang suspek na armado ng samurai at baril at sapilitang kinuha ang mga mobile phones at pera ng mga ito na aabot sa P15,000.

Mabilis na nagsitakas ang mga suspek habang agad namang nagtungo ang dalawang biktima sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya upang ipaalam ang nangyaring insedente.

Sa isinagawang follow-up operation ng mga pulis ay nakita ng mga ito ang mga suspek na naglalakad at ng sitahin ay agad nagpaputok ang mga holdaper.

Napilitang gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta sa pagkamatay ni Jiojan. Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang samurai at baril. Roger Panizal

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply