Hostage crisis negotiation sa Agusan, tumitindi

LALONG umiinit ang sitwasyon ngayon sa nagaganap na hostage crisis negotiation sa pagitan ng hostage-takers at local crisis management committee nang hindi na pabalikin ang dalawang guro na pansamantalang pinalaya upang kumuha ng pagkain at gamot.

Ayon kay Army Col. Leopoldo Galon, AFP Eastern Mindanao Command spokesman, ganap na alas-tres ng hapon ng Sabado, pansamantalang pinayagan na palayain sina Agusan del Sur Division superintendent Hipolito Lastimado at Diosdado Cabantac,  teacher, para kumuha lamang ng gamot tubig at pagkain .

Subalit mismong si Prosperidad Mayor Albin Magdamit ang nagpahayag na nagpasya ang crisis committee na kanyang pinamumunuan na huwag na munang pabalikin ang dalawang bihag para sa kanilang kaligtasan. Sa halip ay sinabihan umano ang mga suspek na mga kamag-anak na lamang nila ang magdadala sa kanila ng pagkain.

Dahil dito, sinasabing mas tumindi ang tensyon dahil sa nagbanta ang mga hostage taker na papatayin nila ang kanilang mga bihag at uunahin ang 9-anyos na bata dito.

Nanindigan din ang mga suspek sa kanilang naunang kahilingan na palayain si Ondo Perez na nakakulong sa Agusan Jail.

Bukod dito ay nagdadag pa ang mga ito ng karagdagang kahilingan na palayain na rin ang sampu pang preso na nakakulong na kasama ni Perez.

Sa isang panayam, inihayag ni Agusan Phlippine National Police (PNP) chief P/Sr. Supt. Nestor Fajura na, “They threatened to harm the remaining hostages if the two will not return.”

Subalit kanina, positibong inihayag ni Interior and Local Government secretary Jesse Robredo na umaasa siya na matatapos na ang hostage drama sa Agusan del Sur ngayong araw.

Nilinaw din ng kalihim na hindi naman bumagsak ang negosasyon at patuloy ang mga efforts para maibsan ang tensyon at palayain na ang mga bihag, lalo na sa dalawang menor-de-edad.

Ayon pa kay Robredo, may bago silang ipapakausap sa negosasyon para makumbinsi ang mga kidnappers. Verlin Ruiz

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply