How can a laos, old guy like me destroy a sikat powerful and sikat like Willie? He did it all by himself— Jim Paredes

HINDI man lang natinag ang celebrities na binanggit ni Willie Revillame na nanira sa kanya sa Twitter at umalma pa ‘kamo ang mga ito: “We live in a democracy, I was within my rights to comments and express my opinion,”pahayag ng international singer na si Lea Salonga. At ayon pa nga sa Twitter ni Lea dated April 10, “no one is immune from criticism, not even our president, na kung siya nga binabatikos araw-araw at kinakaya niyang tiisin, tayo pa kaya”.

Nag-react din si Agot sa sinabi ni Willie na bakit ito nagre-react gayong wala pa naman itong anak, pero hindi naman siya nagpa-apekto dito at ayon na rin sa kanya,”Thank you for the outpouring support, pero, don’t worry for me, dun lang tayo sa tama.”

Malaman din ang tinuran ni Mylene Dizon sa kanyang Twitter,”I will not be bullied.I will not be threatened. Sticks and stones may break my bones but yur words will never hurt me”.

Dedma rin si Aiza sa sinabi sa kanya ni Willie na magpakalalaki ito at ang Tweet naman ni Aza ay “Hugas Kamay. Patay mali. Ano ba ‘yan”.

Pero ang may pinakamay- laman sa mga nagtweet ay itong member ng Apo Hiking Society na si Jim Paredes na”How can a laos, old, over the hill guy like me destroy a sikat, powerful, rich Superstar like Willie? He did it all by himself”. Jhun Bombay

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply