HRM student nagbaril sa sarili patay

PATAY ang 21-anyos na 2nd year student sa kilalang unibersidad sa Maynila matapos magbaril sa sarili  Miyerkules ng tanghali, Abril 6 sa  Sta. Mesa, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Kenneth John Pabelo, HRM student ng University of the East (UE) at residente ng 4847 Old Sta. Mesa St.,Maynila.

Sa report ni SPO2 Henry Ignacio, dakong 1 ng tanghali nang madiskubre ang pagpapakamatay ng biktima sa loob ng kuwarto sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.

Sa imbestigasyon ni Ignacio, kasalukuyang naghahanda ng pananghalian si Jeken Rhyss Pabello, kapatid ng biktima nang makarinig ng malakas na putok ng baril mula sa kuwarto ng biktima.

Dahil dito, agad umakyat sa ikalawang palapag  at nagulat nang makita si Kenneth  na duguang nakahandusay sa sahig.

Isinugod pa sa San Juan Medical Hospital sa San Juan, Maynila ang biktima subalit idineklarang dead on aarival sanhi ng tinamong tama ng bala sa dibdib na tumagos sa kanyang likod.

Hindi naman mabatid ang motibo ng pagpapakamatay ng binata. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply