Hubo’t hubad na lalaki nabingwit sa ilog

INIIMBESTIGAHAN ng Manila Police District ang isang bangkay ng lalaki na natagpuang hubo’thubad na lulutang-lutang sa ilog Pasig sa likuran ng Immigration Building Sabado ng hapon, Abril 9 sa Intramuros, Maynila.

Ang biktima ay nasa edad na 25-30, maykatamtamang pangangatawan, maiksi ang buhok at hubo’t hubad.

Sa report ni SPO3 Danilo Vidad, dakong 6:20 ng hapon ng itawag ni P/Insp. Dailo Anselmo, hepe ng Intramuros PCP ang nakitang bangkay ng lalaki sa nasabing ilog.

Ilang mga namamangka umano sa lugar ang nakapansin sa nahubad na katawan ng lalaki na palutang-lutang sa tubig kaya iniahon nila ito saka inireport sa himpilan ng pulisya.

Wala namang nakitang anumang palatandaang pinahirapan ang biktima.

Dinala ang bangkay sa St.Yvann Funeral Homes para sa autopsy at safekeeping. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply