Huling araw ng paghahain ng income tax return bukas

MULING nagpaalala ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na huling araw na bukas, Abril 15, ng paghahain ng income tax return (ITR).

Sa isang panayam sa telebisyon, sinabi ni Commissioner Kim Henares ng BIR na hindi na palalawigin pa ang deadline.

Bukas ang kanilang tanggapan hanggang hatinggabi para sa mga nais na makahabol.

Pinayuhan ni Henares ang mga taxpayer na ngayon pa lamang ay magbayad na upang makaiwas sa tiyak na mahabang pila bukas.

Ang mga magbabayad ng buwis ay dapat na maghain sa bangko na sakop ng kanilang lugar kung saan rehistrado.

Kung wala namang babayaran, maaari nang mag-file ng ITR sa district office ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na nakasasakop dito.

Para naman sa mga late na magpa-file ng buwis ay may kaukulang multa na 25% surcharge at may interes na 20% per annum, ayon pa kay Henares.

Maliban sa multa, nagbabala din ang komisyoner na maaaring makulong ayon sa batas ang mga taxpayer na hindi magbabayad ng buwis at kulang ang ibinayad. Bineza Zapanta

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply