Huling-huli sa akto: Phil nakipagkuyangyangan sa kotse ni Angel Locsin?

HINDI nakarating si Willie Revillame  sa sarili nitong presscon dahil tumaas ang kanyang blood presure.Gustong-gusto niyang magpunta pero ayaw siyang papuntahin ng doktor dahil sa kanyang kondisyon.

Humarap na lang ang Business Unit Head  ng “Willing Willie” na si Jay Montelibano at si Atty. Leonard De Vera.

Ayon kay Sir Jay hindi nila nakitaan ng malisya ang ginawang pagsasayaw ni Jan-Jan, at labis lang raw na natuwa si Willie sa batang kalahok kaya ipinaulit-ulit niya dito ang sayaw.

Naniniwala ang kampo ni Willie na walang inabuso sa karapatan ni Jan-Jan bilang menor de edad.

Bukas daw ang kampo ng “Willing Willie” na sumailalim sa anumang uri na imbestigasyon para mabigyan din sila ng pagkakataong maipaliwanag ang kanilang panig.Makakatulong rin daw ito para magkaroon na ng “closure” ang lumalalang isyu.

Ayon pa kay Sir Jay, wala pang desisyon kung banned sa kanilang programa ang artistang nakisawsaw sa isyu gaya nina  Lea Salonga, Jim Paredes, Mylene Dizon , Rica Peralejo at Aiza Seguerra na ayaw tumigil sa Twitter.

“I don’t have a Twitter account. I guess everyone is entitled to their own opinion. Iba-iba ang tingin nila and hindi ko hawak kung ano ang opinyon nila.”

Basta ngayon pinapatugtog pa sa Kantanong portion ang awitin ni Aiza Seguerra. Pinatotohanan naman ni Jay ang balita na nagpahayag na ng kanilang intensiyon ang Jollibee Foods Corporation, na siyang mother company ng restaurant chain na Mang Inasal, isa sa mga sponsors ng “Willing Willie,| na pansamantala muna itong titigil sa paglalagay ng ad sa programa habang hindi pa naaayos ang kontrobersiya.

“The other sponsors like Unilever, CDO, Cebuana [Lhuillier], they’re still intact, and they’ve given us their support. So, nagpapasalamat kami sa kanila,” deklara niya.

Anyway,  humingi pa rin  ng paumanhin si Jay  sa mga nainsulto at hindi nagustuhan ang insidenteng naganap nung March 12.

Wala raw silang intensiyon na lumikha ng kontrobersiya at ang tanging layunin lang nila ay ang makapagbigay ng tuwa at pag-asa sa mga mahihirap.

“We apologize, sincerely,”  nagpapakumbabang pahayag ni  Sir Jay. Idinugtong naman ni Atty Nards de Vera na walang dahilan para akusahan ang programa at ang kanyang kliyente ng child abuse o ‘di kaya ay pamamahiya sa isang batang contestant.

“Look at the dance. If the dance is bad and obscene, then we have a problem. But there’s nothing improper about it,”sambit niya.

oOo

Posibleng si  Phil Younghusband na ang susunod na makakarelasyon ni Angel Locsin, huh? Mukhang ready na para muling magmahal si Angel? Paano kasi ay sumasama na siya na makipag-date kay Phil. Kamakailan ay nakita silang magkasama na nag-dinner sa Mamou restaurant sa Serendra, The Fort. Magkasama rin silang umatend ng service ng Victory Fellowship Church sa The Fort.  At sa kotse pa ni Angel sumakay si Phil, huh!

Panahon na rin siguro  para pumasok na ulit sa isang relasyon si Angel. Matagal na rin naman silang hiwalay ni Luis Manzano.

Kahit si Phil ay umaasa na  lumalim ang  relasyon nila ni Angel. “Sana may future kami, sana,”  pahayag niya sa isang interbyu.

Natutuwa si Phil dahil hindi naniniwala si Angel na ginagamit lang niya ito sa publicity.

“It’s nice to know that she trusts me. It gives me confidence. It makes me feel good. It gives me satisfaction. Ang dami intrigues ngayon, pero most of it are false. The truth is bent or changed. But yung importante is yung people involved know the truth,” saad pa niya.

‘Yun na! Roldan Castro

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply