Huwag maging kampante – Edano

NAGBABALA si Japanese Chief Cabinet Secretary Yukio Edano na huwag maging kampante kahit na napigilan na ang pag-leak sa karagatan ng kontaminadong tubig mula sa napinsalang Fukushima Daiichi nuclear power plant.

Ani Edano, hindi pa natatapos ang problemang kinakaharap ng Japan matapos na tamaan ito ng magnitude 9.0 na lindol na sinundan ng dambuhalang tsunami.

“Is it completely stopped? Are there any other areas where (radioactive) water is being released?” pahayag ng opisyal. “We cannot be overly optimistic, just because we were able to plug this one.”

Una rito, inihayag ng Tokyo Electric Power Co. (Tepco) na natigil na ang pag-leak ng kontaminadong tubig sa karagatan na na-detect na may mataas na antas ng radiation galing sa No. 2 reactor.

Noong Martes, Abril 5, nasa limang milyong doble sa normal na antas ang radiation sa tubig na nag-leak doon.

Iniulat ngayong araw, Abril 6, sinasabing matagumpay umano ang pagtatakip sa sa crack kung saan mayroong tagas. Nangangahulugan umano ito na wala ng major radioactive emissions sa hangin at tubig. Bineza Zapanta

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply