Huwag namang idamay ang mahal nating mga guro

KAILAN kaya tayo makapagpapahinga sa mga mabibigat sa damdamin na nagaganap sa mahal kong Pinas?

Eh hindi pa nga tayo natatapos sa pakikipaglamay sa bangkay o abo nina Sally Ordinario-Villanueva,  Elizabeth Batain at Ramon Credo, may nakaamba na namang kamatayan sa 16 katao sa Agusan del Sur.

Yun bang —-mga 14 na guro at dalawang bata na hinostage sa bayan ng Prosperidad.

Akalain mo, isang provincial superintendent, isang district supervisor, isang principal at mga guro sa isang barangay ang hinostage at dinala sa gitna ng mga bundok ng mga hostage-taker bilang kapalit umano ng isang tribal leader na nakabilanggo roon.

Nandoon  ang iginagalang nating mga guro para dumalo sa graduation ceremonies. Gusto nilang iharap sa mundo ang mga batang may pinag-aralan at natutuwa sila sa pagkakaroon ng mga masisipag at matatalinong anak. Gusto nilang ipahayag sa mga magulang na may kinabukasan ang bansa sa pamamagitan ng mga bata na nasa elementarya pa lang.

May mga valedictorian, salutatorian, first honorable mention, second onorabol mention. May mga leadership medalist, science and math medalist at kung ano pang karapat-dapat sa mga ginto, pilak at tansong medalya.

Sa isang iglap ay nagulo ang seremonya. Dinala ang mga guro sa kabundukan upang gawing pamalit-ulo sa isang nakakulong na tribal leader.

Ayon sa ating uzi, nakulong ang tribal leader dahil sa mga patayan na naganap sa pagitan nila at ibang mga tribu. May agawan sa lupa.

Ang masaklap yata, may nabilanggo sa kanila at wala sa kanilang nakalaban. Ito ba’y isang anyo na naman ng kawalang katarungan na nagaganap sa Pinas.

Ang mga awtoridad natin, mga Bro, ang makasasagot nito.

Pero, mga Bro, riyan sa Prosperidad, sana naman ilibre ninyo ang mga guro sa mga sigalot na ganyan. Hindi sila ang pinakakawawa. Pinakakawawa riyan ang mga bata, in fact, may dalawa yatang natangay.

Pairalin po sana ninyo hindi lang ang awa kundi ang pang-unawa sa mga inosenteng walang kinalaman sa mga problema sa lupa riyan.

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.  Benny Antiporda

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply