Ibang munisipalidad walang funds para sa fuel subsidy

AMINADO ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na may mga munisipalidad sa bansa ang hindi makapagdaragdag sa P150 fuel subsidy sa may 957,000 tricycle sa bansa.

Ayon kay Interior Secretary Jesse Robredo, ito ay dahil sa may mga maliliit na munisipilidad na kulang ang pondo para ayudahan ang mga tricycle driver na labis na hinahagupit ng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Sinabi pa ni Robredo na maaring ang mga tricycle driver lamang sa mga siyudad ang maaaring makakuha ng karagdagang fuel subsidy.

Anito, hindi dapat mawalan ng pag-asa ang mga tricycle driver dahil maaaring may mapagkunang ibang pondo ang mga lokal na opisyal, lalo na kung mayroon itong beginning balance o may ending surplus.

Sinabi pa ni Robredo na hindi niya pipilitin ang mga lokal na pamahalaan na magbigay ng ayuda sa pangambang mabigyan ito ng ibang kulay.

Nauna nang inihayag ng Department of Energy (DOE) na ibibigay na sa buwan ng Mayo ang mga Smart Card sa mga tricycle driver sa Visayas at Mindanao upang makakuha ang mga tricycle driver ng fuel subsidy na ipinangako ng Malakanyang.  Alex Ching

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply