Ika-2 batch ng OFWs mula Japan parating

INAASAHANG darating sa bansa ang ikalawang batch ng overseas Filipino workers (OFWs) na naninirahan malapit sa nasirang Fukushima Daiichi nuclear power plant sa Japan.

Ayon kay Eduardo Malaya, spokesperson ng Department of Foreign Affairs (DFA), karamihan sa mga Pinoy sa nasabing bansa ay hindi umabot sa unang batch dahil sa hindi natapos ang pagpoproseso ng travel documents ng mga ito.

Muling tiniyak ng ahensya na sagot nila ang gastos sa pag-uwi ng naturang mga OFW.

Una rito ay nagpahayag si Philippine Ambassador to Japan Manolo Lopez na ang voluntary repatriation ng mga OFW sa Japan ay isang humanitarian consideration. Bineza Zapanta

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply