Iligal na terminal na, sugalan pa

MASAKIT sa mata ang nakikita ng mga nagdaraan sa Rizal Avenue Ext. sa lungsod ng Caloocan dahil sa mga pasaway na driver na ginagawang pasugalan ang kanilang terminal ng jeep.

Ilang residente ang dismayado dahil sa araw-araw nilang nakikita tuwing magdaraan sila sa Rizal Avenue Ext. ang mga driver ng jeep na nagsusugal habang nakaistambay ang mga ito.

Ang iligal na terminal na ito na meroong biyaheng Paco Ubando, Malabon Letre, May Kawayan Bulacan, Sangandaan at LRT ay matatagpuan sa Rizal Avenue Extention kanto ng Samson Road Caloocan City.

Nabatid na kahit ilang beses na sawayin ang mga ito ay tila walang pakialam at patuloy lamang sila sa pagsusugal na mahigpit na ipinagbawal sa lungsod. R. A. Marquez

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply