Imbestigasyon sa AFP logistic magtatagal

MALAMANG na abutin ng dalawa hanggang tatlong linggo ang imbestigasyon kaugnay sa maanomalyang tansaksiyon sa suplay ng langis at petrolyo sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon kay AFP spokesman Commodore Miguel Rodriguez, ang imbestigasyon ay nakatuon kay AFP deputy chief of staff for logistics Commodore Teddy Pan.

Nilinaw ni Rodriguez na ang pansamantalang suspensiyon kay Pan ay mananatili hanggang hindi natatapos ang ginagawang imbestigasyon.

Magugunita na nitong nakaraang linggo si Pan ay sinibak sa puwesto upang matiyak na magiging patas ang gagawing imbestigasyon  ng military Judge Advocate General, AFP Internal Audit at Provost Marshal General.

Nabatid na si Pan ay nakapagtala ng P400 milyon sa nakonsumong petrolyo at langis para sa military units mula sa Enero hanggang Marso 15, 2011.

Naghinala ang naturang ahensya ng military dahil awtorisado lamang ng AFP ang isang opisyal hanggang P150 milyon sa loob ng one quarter, na naging kaduda-dudang nagkaroon ng  illegal “conversion” scheme para maging pondo bilang  “pabaon” o “send-off” gift para kay dating  AFP chief Gen. Ricardo na nagretiro nitong nakaraang  March 7.

Dahil dito ang ilan sa dating AFP chiefs of staff ay nasangkot at inakusahang tumatanggap ng “pabaon” sa panahon ng kanilang pagre-retiro sa serbisyo na naging punto ng imbestigasyon sa Kongreso. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply