Imbestigasyon sa plunder complaint vs former AFP officials gugulong na

NAGTALAGA na si Justice  Secretary Leila De Lima ng piskal na hahawak sa  preliminary investigation ng plunder complaint laban sa mga dating hepe  at matataas na opisyal ng Armed Forces  of the Philippines (AFP).

Ayon kay de Lima, bagama’t wala pa siyang pormal na memorandum na nailalabas hinggil dito ay sinabihan na niya si Prosecutor General Claro Arellano na pamunuan ang bubuuin na three-man panel na hahawak sa kaso.

Si Arellano ang pinuno ng National Prosecution Service ng Department of Justice (DOJ).

Una ng naghain ng plunder complaint si Rabusa laban kina dating AFP chief Efren Abu, Diomedio Villanueva at Roy Cimatu, comptrollers Jacinto Ligot at Carlos Garcia, iba pang opisyal ng sandatahang lakas ng Pilipinas at dalawang state auditor.

Hindi naman nakasama si dating AFP Chief of Staff Angelo Reyes na sinasabing isa umano sa nakatanggap ng pabaon at iba pang fund conversion sa AFP dahil sa patay na ito. Teresa Tavares

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply