Impeach togas gagamitin na lang na kapote

HINDI lamang ang preparasyon ng bawat senador ang nasayang, kundi maging ang P5,000 halaga ng impeachment robe na gagamitin ng senator-judge sa impeachment Court sa gagawin sanang paglilitis kay Ombudsman Merceditas Gutierrez.

Ayon kay Senate President Juan Ponce Enrile, wala na silang paggagamitan ng toga na ipinagawa ng Senado sa halagang P4,000 hanggang P5,000 bawat isa dahil sa pagbibitiw ni Gutierrez.

“Siguro gagamitin na lang namin iyan na kapote kapag umulan,” wika ni Enrile.

Nagbiro naman ni Senate President Pro-Tempore Jinggoy Estrada na dahil sa pagkaudlot ng impeachment trial sa Senado kaya nawalan ng pagkakataon si Sen. Lito Lapid na makapagsuot ng toga dahil hindi naman ito nagtapos ng kolehiyo.

“Mas kawawa si (Sen.) Lito Lapid, ngayon lang makakapagsuot ng toga, naudlot pa,” pagbibiro ni Estrada.

Ang kulay pulang toga na nagkakahalaga umano ng P 4,000 hanggang P 5,000 ay natapos nang tahiin.

Bumili rin ang Senado ng lapel microphone at nagpagawa ng witness stand.

Bukod sa nasayang na toga, nasayang din umano ang pagkakataon ng mga kongresista na kabilang sa bumubuo sa prosecution team, na makilala sila nang lubusan ng publiko bilang preparasyon sa kanilang pagtakbo sa 2013 senatorial elections.

Malungkot din si Enrile sa pangyayari dahil hindi na natin masasaksihan ang pinakamagandang teleserye sa telebisyon. 

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply