Impeachment di na matutuloy– Enrile

WALA nang magaganap na impeachment trial sa Senado sa Mayo 9 matapos na magbitiw sa puwesto si Ombudsman Merceditas Gutierrez ngayong tanghali, Abril 29.

Ayon kay Senate President Juan Ponce Enrile, tama lang ang desisyon ni Gutierrez na magbitiw sa puwesto kaysa harapin ang madugong labanan sa trial kung saan hindi lang trabaho ng Senado ang apektado, kundi ang atensyon ng sambayanang Filipino.

“That will relieved the country of a divisive problem and second it will spare the nation of the expense of conducting a long grown case against the incumbent Ombudsman. It was a right move on her part,”diin ni Enrile.

Pag-aaralan naman ng Senate president ang hirit ni Ilocos Rep. Rodolfo Fariñas na ituloy ang trial para maigawad ang mga parusa laban kay Gutierrez, dahil sa kanyang opinyon, kapag nagbitiw na ang isang impeachable official ay hindi na maaaring ituloy ang trial.

“I don’t how can we go, I don’t know how we can go through when the person involved is already resigned, the purpose of the impeachment is to remove her,”giit ni Enrile na tatayo sanang presiding officer ng Impeachment Court.

Nanindigan din sina Senate President Pro-Tempore Jinggoy Estrada at Sen. Francis “Chiz” Escudero na hindi na kailangan pang ituloy ang trial para parusahan si Gutierrez.

“Kaya nga may impeachment trial para patalsikin, pero nagbitiw na siya. Sayang nga eh, ang kapal pa naman ng libro ko sa impeachment, nabalewala lang,” wika ni Estrada.

“Her resignation will render the impeachment trial moot and academic. Ang ending ng isang impeachment case ay pagsibak o pagtanggal sa puwesto. Kung siya ay nag-resign na, nakuha na rin yung ending na yan at wala na kaming puwedeng gawing ending,” paliwanag ni Escudero.

Idinagdag pa ni Escudero na kung may kakaharapin mang kaso si Gutierrez sa panahon ng kanyang pagiging sibilyan ay wala nang pakialam ang Senado doon, kundi ang korte na ang bahalang lumitis sa kanyang magiging kaso.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply