Ayaw ma-impeach: Merceditas nag-resign

TULUYAN nang nagbitiw sa pwesto si Ombudsman Merceditas Gutierrez.

Nabatid na personal na iniabot ni Gutierrez ang kanyang resignation letter na epektibo sa Mayo 6 kay Pangulong Noynoy Aquino sa Malacañang.

Agad namang pinuri ni Senate President Juan Ponce Enrile ang naging hakbang ni Gutierrez na pinakamainam umanong ginawa ng opisyal.

Sa darating sanang Mayo ay sisimulan na ang impeachment trial laban sa Ombudsman kung saan ay naghahanda na rin ang mga senador na tatayong hukom.

Habang nabuo na rin ang House panel na siyang magiging prosecutors.

Bago ito, ilang beses na ring hayagang inilalahad ng Pangulong Noynoy Aquino ang kanyang disgusto kay Gutierrez na isang hadlang umano para ipatupad ang reporma laban sa kampanya kontra katiwalian.

Si Gutierrez ay appointee ni dating Pangulong Gloria Arroyo kung saan sa 2013 pa sana ang pagtatapos ng kanyang termino.

Sinasabing personal umanong iniabot ni Gutierrez ang kanyang resignation letter sa Pangulong Aquino.

CBCP natuwa na nalungkot sa pagbibitiw ni Meci

BAGAMAT natutuwa, nanghihinayang din ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa pagbitiw sa puwesto ni Ombudsman Merceditas Gutierrez.

Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman rin ng National Secretariat of Social Action (NASSA) ng CBCP, nagagalak siya dahil sa nagpasya na rin si Gutierrez na lisanin ang tanggapan na matagal ng hinihingi ng Sambayanang Filipino.

Gayunman, nanghihinayang din aniya siya sa pagbaba sa pwesto ni Gutierrez, dahil kasabay aniya nito ay nawalan na rin ng pagkakataon ang mga mamamayan na mahalukay pa ang mga pinaggagawa nito  sa loob ng ilang taong panunungkulan bilang Ombudsman.

Isa si Pabillo sa mga taong nananawagan na bumaba sa pwesto si Gutierrez bilang delicadeza, kasunod nang umano’y kawalan nito ng aksiyon sa mga kasong isinasampa laban sa dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo. Kyle Gatus

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply