Impeachment trial ni Merci sa Mayo pa

SA HULING bahagi pa ng Mayo sisimulan ang pagdinig sa impeachment case ni Ombudsman Merceditas Gutierrez, ayon kay Senate President Juan Ponce Enrile.

Sinabi ni Enrile na dadaan pa sa proseso ang kaso bago ito dinggin.

Kapag nagbalik na sa Mayo 9 ang sesyon ay doon pa lamang magko-convene ang Senado bilang impeachment court at bibigyan ng 15 araw si Gutierrez upang sagutin ang asunto sa kanya.

Bukod pa doon, may limang araw pang ibibigay para naman sa prosekusyon upang kontrahin ang kasagutan ni Gutierrez.

Sa kabila nito, siniguro ni Enrile na tatapusin nila ang paglilitis upang makapaglabas agad ng hatol bago pa man magretiro si Guttierrez sa Disyembre 2012.

Sinabi rin ni Enrile na bago matapos ang 2011 ay maaaring makumpleto na ng impeachment court ang paglilitis kay Gutierrez.

Hindi sang-ayon ang beteranong senador na baguhin ang pinagtibay nilang rules dahil, aniya, kakain lamang ito ng oras na lalong magpapaantala sa paglilitis.

Nakatakdang magbalik-sesyon ang Kongreso sa Mayo 9 at matatapos ito sa Hunyo 9 para sa kanilang sene die adjournment.

Nilinaw din Enrile na walang paglilitis sa panahon ng sene die adjournment, ngunit maaaring ipagpatuloy ito sa pagbabalik ng ikalawang regular na sesyon sa Hulyo 24.

Samantala, pinayuhan ni Ernile ang kapwa senador na tatayong hukom sa impeachment trial na mag-ingat upang hindi sila ma-kwestyon sa Korte Suprema. Bineza Zapanta

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply